-- Advertisements --

Pumirma ng apat na taong contract extension si Indiana Pacers guard T.J. Mc Connel. Ito ay nagkakahalaga ng $45 million.

Si McConnel ay may career average na 10.2 points per game, 5.5 assists per game, at 2.7 rebounds per game.

Naging malaking tulong siya sa Indiana nitong nakalipas na season daan upang maabot nito ang Eastern Conference Finals at hinarap ang Boston Celtics na siya ring naging kampeon kinalaunan.

Sa nakalipas na playoffs, makailang-beses na pinalitan ni McConnel si All-Star guard na si Tyrese Haliburton dahil sa minor injuries.

Sa naturang serye ay nagposte siya ng 11.8 ppg, 3.1 rpg and 5.1 apg hawak ang 48.6% overall shooting.

Naging abala ang Pacers sa offseason matapos nitong makuha ang ilang malalaking player na kinabibilangan nina Pascal Siakam na pumirma ng $189.4 million maximum deal, Obi Toppin, at Andrew Nembhard.

Makakasama ng mga ito si Hali at center Myles Turner.