Patay matapos pagbabarilin ang beteranong journalist na si Juan “Johnny” Dayang.
Nangyari ang insidente dakong alas-8 ng gabi ng Abril 29, 2025 sa bahay nito sa Barangay Andagao, Kalibo, Aklan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasa loob ng kaniyang bahay ang biktima ng biglang pasukin ito ng hindi kilalang mga supsek.
Nagtamo dalawang tama sa likod nito ang 89-anyos na biktima.
Dinala pa ang biktima sa Rafael Tumbukon Provincial Hospital sa Kalibo subalit idineklara siyang dead on arrival.
Si Dayang ay dating pangulo ng Manila Overseas Press Club (MOPC), pangulo ng Publishers Association of the Philippines Inc.(PAPI) at naing interim mayor ng Kalibo matapos ang 1986 EDSA People Power revolution.
Nakikipag-ugnayan na si Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Executive Director and Undersecretary Joe Torres sa mga otoridad para malaman ang motibo at maaresto ang mga suspek.