-- Advertisements --

Pumanaw na ang veteran journalist at dating chairperson ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) na si Jose Jaime “Nonoy” Espina sa edad 59.

Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Inday Espina-Varona sa pamamagitan ng social media post.

Liver cancer ang naging sanhi ng kamatayan ni Espina.

Kuwento pa ng kapatid nito.
Isa umanong COVID-19 survivor ito at nakapiling pa ang pamilya bago ang kaniyang kamatayan.

Nag-aral ito ng journalism sa Negros Occidental at naging chairman ng NUJP hanggang 2021.

Naging correspondent ito ng TODAY Newspaper at nagtrabaho sa Manila Standard, Inquirer.net at InterAksyon.