Pumanaw na ang beteranong movie director Romy Suzara sa edad 84.
Hindi naman na binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan nito.
Isa si Senator Bong Revilla ang nagbigay pugay sa veteran director.
Nakasama kasi ng senator si Suzara sa pelikulang “Pag-Ibig Ko Sa Iyo’y Totoo” noong 1997.
Nakakuha ng best director award sa FAP Awards ng Films Academy of the Philippines noong 1982 sa pelikulang “Mga Uod at Rosas” na pinagbidahan ni Nora Aunor, Lorna Tolentino at Johnny Delgado.
Nominado rin siya sa best director sa pelikulang “Pepeng Shotgun” ng Urian Award na pinagbidahan ni Rudy Fernandez.
Itinuturing na paboritong director ito ng pumanaw na actor na si Rudy Fernandez dahil marami itong pelikula na nagawa.
Bukod pa sa namayapang actor ay may mga pelikulang kasama ang actress na si Vilma Santos.
Nakaburol na si Suzara sa St. Peter Memorial Chapels sa Quezon Avenue, Quezon City.