-- Advertisements --

Nahirang ang veteran newsman na si Ed Picson bilang bagong presidente ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).

Papalitan ni Picson ang long-time president na si Ricky Vargas.

ed picson abap
ABAP President Ed Picson

Sinasabing si Vargas din ang siyang naghain ng nominasyon na sunod na maging pinuno ng pangunahing boxing federation si Picson.

Kung maalala si Picson ay matagal na ring executive director at secretary-general ng ABAP mula pa noong taong 2009 mula nang makuha ng grupo ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan ang liderato ng asosasyon.

Samantala dahil sa pagkawala ni Vargas sa presidency, siya na ang magiging chairman ng ABAP.

Sa panahon ni Vargas nasungkit ng Pilipinas ang record na tatlong medal sa Tokyo Olympics.

Kaugnay nito, nahalal din si House deputy speaker at Rep. Robbie Puno bilang vice-president, habang ang dating Northern Samar congressman at long-time boxing patron na si Raul Daza ang magiging vice chairman ng ABAP.