Pumanaw na ang sikat na Filipino golfer na si Juanito Pagunsan sa edad 66.
Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Rey dahil sa pneumonia nitong Linggo ng umaga sa Asian Hospital Medical Center sa Muntinlupa.
Nakatakda naman itong i-cremate ngayong Lunes, Mayo 25.
Siya ang ama ng Pinoy golf player na si Juvic Pagunsan.
Kuwento ng kapatid, na noon pang Pebrero ng ito ma-diagnosed si Juanito ng pneumonia pero mas pinili nitong manatili sa bahay nito sa Sta. Rosa, Laguna.
Noong Marso ay hiniling ng anak na si Juvic na dalhin na sa pagamutan ang ama pero nagpumilit pa rin ito na hindi siya magpapa-ospital.
Nitong nakaraang mga linggo lamang ng pumayag ng itakbo sa pagamutan ito subalit naging malala na ang sakit nito.
Noong Enero ay sumali pa si Juanito sa Senior Professional Golfers Association of the Philippines sa Army Golf Club sa Taguig.