-- Advertisements --
Inanunsiyo ng veteran singer Bob Dylan ang paglabas ng kaniyang bagong album.
Ito ang unang pagkakataon matapos ang walong taon mula sa tinaguriang pinakamaimpluwensiyang songwriters.
Sinabi ng 78-anyos na singer ang bagong album nitong “Rough and Rowdy Ways” ay ilalabas sa Hunyo 19.
Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye sa kaniyang album ang nasabing singer.
Noong nakaraang Marso ay sinurpresa ni Dylan ang kaniyang mga fans sa paglabas ng 17-minuto na kantang “Murder Most Foul” na nakuha ang inspirasyon ng kanta sa assasination noon ni US President John F. Kennedy.
Ilan sa mga kantang pinasikat ni Dylan ay “Blowin’ In the Wind” , “Like A Rolling Stone” , “Knocking on Heaven’s Door” at maraming iba pa.