-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang singer na si Carmen Pateña sa edad na 84.

Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si David nitong Hulyo 31.

Hindi na binanggit nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Naka-cremate na ito ngayon at kasalukuyang nakaburol sa J. Paredes Memorial Chapel, Capt. Sayas St., corner M.H. Del Pilar St., Barangay San Vicente 1, Silang, Cavite.

Sumikat ang singer noong dekada 60 at 70 k ung saan kabilang siya sa musical variety show ni Joe Quirino na “Seeing Stars with Joe Quirino”.

Kasama siyang nagtanghal sa “Golden Divas” noong 2008 kasama sina Pilita Corrales at Carmen Soriano.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kaanak at kasamahan sa industriya matapos na mabalitaan ang malungkot na balita.