Nagbalik-tanaw ang Grammy-winning Canadian singer-songwriter na si Dan Hill sa kanyang di malilimutang mga pagbisita sa Pilipinas.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa iconic singer, inamin nito na mula sa kanyang unang pagbisita noong 2011 hanggang sa kanyang last visit noong 2019 ay masasabi niyang naiiba ang pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.
“First of all, the people in the Philippines have tremendous warmth and openness affection. I’ve never seen such extraordinary warmth and humanity in people as I’ve seen in the Philippines,” saad nito.
Inalala rin nito ang mga Filipino singers na nakasama niya sa ilang pagtatanghal tulad nina Angeline Quinto at Kyla, at may papuri rin ito sa talentong Pinoy.
“I realized that the art of singing is highly valued and honored in the Philippines. The Filipino singers that I’ve sang with are the best in the world. Absolutely extraordinary! I love working with the musicians in the Philippines.”
Samantala, todo papuri rin ang 66-year-old hitmaker ng siya’y magbalik-tanaw sa kanilang friendship ni Senator Manny Pacquiao.
Matatandaan na noong 2009 ay inawit ng Pinoy boxing champion sa isang American show ang hit ni Dan na “Sometimes When We Touch”, at matapos ang isang taon noong 2010 ay nagkita ang dalawa at nag record ng duet.
Ibinahagi rin nito na labis niya umanong hinahangaan ang boxing Senator dahil sa kaniyang humility at pagmamahal sa kanyang pamilya.
“There are a lot of things to love about Manny. One is that he’s extraordinarily humble. He has astonishing humility considering his utter greatness. Another thing that really struck me when I met him maybe 10 years ago, he had little children and he had really tenderly loved them and did not want to expose them at all to boxing, which I thought was very, very interesting. He also has kind of a funny, mischievous side.”
Samantala, inilahad rin nito na nakabuo siya ng isang album, ang On The Other Side of Here sa gitna ng pandemic at nakatakda itong ma-release sa susunod na taon.
Noong nakaraang linggo rin ay inilabas naman nito ang kanyang single na “What About Black Lives?” na mula sa nasabing album.
Thankful rin si Dan sa walang sawang suporta ng mga Pinoy fans at nangakong babalik sa bansa para maghandog pa ng mga natatanging awitin at pagtatanghal para sa mga Pilipino.
“I will absolutely be back, and I will be playing an entire range of songs, dipping consistently into my past hits and at the same time, exposing them to new songs that continue to explore growth and self-realization. There’s no place I love performing more than in the Philippines,” pagbabahagi nito.
Sumikat si Dan Hill sa kanyang mga iconic hits tulad ng “Can’t We Try”, “Never Thought”, “I Fall All Over Again”, “Why Do We Always Hurt The Ones We Love” at “Sometimes When We Touch”.