-- Advertisements --
ELVIS COSTELLO
Elvis Costello

Ipinagtanggol ng singer na si Elvis Costello ang Filipino-American Olivia Rodrigo matapos na akusahan na ginamit niya ang tono ng isa niyang kanta.

Ang kanta ni Olivia na “Brutal” ay katunog umano ng 1978 hit song ni Costello na “Pump It Up”.

Kumalat sa social media ang nasabing pagkakahawig kaya maraming mga netizens ang bumatikos dito.

Depensa naman ni Costello na wala namang problema sa kaniya ang nasabing usapin.

Maging ang kanta aniya nito na “Pump Ito Up” ay hango rin sa impluwensiya mula sa kanta ni Bob Dylan na “Subterranean Homesick Blues” noong 1965.