-- Advertisements --

Ni-repost na ng American singer na si Madonna ang kanyang larawan na inalis ng Instagram kamakailan.

Una nang nagalit ang 63-year-old Queen of Pop dahil hindi man lang daw nag-abiso ang nasabing social media.

Sa naturang kontrobersyal na larawan, siya ay nakahiga sa kama habang suot ang mesh bodysuit at makikita ang aniya’y “small portion” ng kanyang nipple.

Ayon sa “Material Girl” hitmaker, nakakadismaya na napag-initan ang pagkaka-expose ng kanyang nipple gayong may nakikita siya na mas malala pa ang pagpapa-sexy sa mga picture.

Dagdag nito na ang mga nipple ng mga kababaihan ang siyang dinadaanan ng iniinom na gatas ng mga breastfed na sanggol.

Madonna nipple pic banned

Ngunit sa muli nitong pag-post sa parehong larawan, tinakpan na nito ng emoji ang kanyang nipple.

Sa panig ng Meta, kaya raw nila tinanggal ang larawan ng singer dahil ito ay lumalabag sa kanilang adult nudity rules.

Aabot sa mahigit 17 million ang followers ni Madonna kaya dapat lang daw na mayroong pasintabi ang Instagram bago magtanggal ng mga larawan.