Sinampahan ng kaso ang isang singer sa Croatia dahil sa pambabastos ng kanilang national anthem.
Sa reklamo na inihain ng isang abogado at negosyanteng si Bosko Zupanovic, na ang pagkanta ni Josipa Lisac ng national anthem noong inaguaration ng kanilang bagong pangulo ay hindi naging seryoso at tama.
Hindi aniya socially acceptable ang bersyon ng singer dahil iniba ang tono at malayo ito sa orihinal na bersyon.
Depensa naman ng record label at samahan ng mga musicians na ipinatupad lamang ng singer ang kaniyang artistic freedom.
Nakasaad sa kanilang batas na ang pambabastos ng kanilang national anthem ay mahaharap ng pagkakakulong ng hanggang isang taon.
Ang 70-anyos na singer ay nakakuha na ng maraming awards sa kaniyang 53- taon na career at nakilala ito sa idiosyncratic performance at fashion sense.