Pumanaw na ang beteranong TV sports media personality na si Jose “Boyet” Sison sa edad 58.
Kinumpirma ng kaniyang pamilya ang pagpanaw ng ABS-CBN sports media personality nitong Abril 16.
Nitong linggo ay itinakbo ito sa pagamutan dahil sa sakit sa intestine na kailangan na ng operasyon.
Bago ang kaniyang pagpanaw ay nagpost pa si Sison sa kaniyang Facebook noong Abril 10 na dumanas ito ng pananakit sa tiyan na ilang araw na niyang nararamdaman.
Matapos ang CT scan ay nakita na mayroong bumara sa kaniyang large intestitne kaya nagpasya itong magpa-second opinion sa Delos Santos Medical Center.
Noong Abril 14 ay inamin nitong siya ay ni-nerbiyos at natatakot subalit pagkatapos ng dalawang araw ay inatake na siya sa puso.
Sa kani-kanilang mga social media ay nagpahayag ng kanilang pakikiramay ang mga nakasama sa trabaho ni Sison.