-- Advertisements --
Magbabalik ngayon sa NBA ang 38-year-old veteran na si Joe Johnson matapos itong lumagda na ng kontrata sa Detroit Pistons.
Si Johnson, na pitong beses na napabilang sa NBA All-Star, ay nagtala ng career average na 16.0 points, 4.0 rebounds at 3.9 assists sa loob ng 1,276 NBA games.
Sinuot na rin ni Johnson ang mga uniporme ng Boston Celtics, Phoenix Suns, Atlanta Hawks, Brooklyn Nets, Miami Heat, Utah Jazz, at noong nakalipas na season ay sa Houston Rockets.
Nitong Marso, pumirma ng kontrata si Johnson upang maglaro sa BIG3 kung saan itinanghal ito bilang Most Valuable Player.
Pinangunahan din nito ang kanyang team na Triplets sa Big3 title at ipinasok ang game-winning 3-pointer sa championship game.