-- Advertisements --
Bumalik na rin practice sa Miami Heat si Udonis Haslem, ang itinuturing na NBA’s oldest active player sa edad na 41-anyos.
Ang captain ng Heat ay ilang linggo ring nawala dahil sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama sa edad na 70-anyos.
Itinuturing ni Haslem ang kanyang ama bilang best friend at anuman daw siya ngayon bilang lider ng Heat ay natutunan niya sa kanyang ama.
Kung maalala kahit hindi man aktibong naglalaro si Haslem ay ini-extend ng Miami ang kanyang kontrata ng isa pang taon sa halagang $2.8 million.
Ito na ang kanyang ika-10 taon sa Miami at 19 na season ng kanyang career sa NBA.
Kung maalala si Haslem ang itinuturing na lider ng team sa bench lalo na sa locker room upang magbigay inspirasyon sa mga players.