-- Advertisements --
hugh down arizona

Pumanaw na ang veteran American broadcaster na si Hugh Downs sa edad na 99 sa kanyang tahanan sa Scottsdale, Arizona.

Ito ang kinumpirma ng Arizona State University sa kanilang posting sa social media.

Kabilang sa naging kilala ng husto si Downs ay bilang co-anchor sa programang 20/20 sa ABC kasama si Barbara Walters noong kasagsagan ng popolaridad ng newsmagazine.

Sa ulat naman ng Washington Post nilinaw ng great-niece nito na si Molly Shaheen na ang ikinamatay ni Downs ay dahil sa sakit sa puso at hindi sa COVID-19.

“It is with a heavy heart that we announce the passing of Hugh Downs. We heard from his family that Hugh passed away peacefully yesterday at his home in Scottsdale surrounded by his family at the age of 99,” ayon sa kumpirmasyon ng Hugh Downs School of Human Communication.

Si Downs ay sumikat din sa programang “Concentration” kung saan tumagal ito sa kanyang radio at television career ng 60 taon.

Ilan pa sa kanyang television work ay sa “Today” ng NBC morning news show at sa “Tonight” kasama si Jack Paar.

Noong 1985 kinilala siya ng “Guinness Book of World Records” na tumagal sa commercial television sa record na 15,188 hours na binasag lamang ni Regis Philbin noong taong 2004.

Nanalo na rin si Downs ng Emmys sa kanyang programang “Today” noong 1970, pag-host sa PBS series sa programa rin na “Over Easy” noong 1981 at ang “Live From Lincoln Center” noong 1991.

Kabilang naman sa mga libro na sinulat niya ay ang autobiography na “Yours Truly, Hugh Downs”; “A Shoal of Stars,” at sa kanyang kuwento na biyahe ng sailboat na 65-foot sa Pacific at ang “Thirty Dirty Lies About Old Age.”