-- Advertisements --

Inanunsiyo ng beteranang war correspondent na si Christiane Amanpour na sumailalim siya ng operasyon sa dahil sa kaniyang ovarian cancer.

Sa kaniyang programa, sinabi ng CNN Chief International anchor na gaya ng ilang milyong kababaihan ay dumanas siya ng ovarian cancer at sumasailalim siya ng ilang buwan chemotheraphy.

Ang 63-anyos na British-born anchor ay unang naging host ng ABC news.
Nakilala ito sa CNN ng mag-cover ng 1991 Gulf War.

Nakapanayam din nito ang ilang mga kilalang lider ng mga bansang, Iraq, Afghanistan, Pakistan, Somalia, Rwanda at Balkans.