-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Upang masiguro ang kaligtasan at maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa mga pet at farm animals sa lalawigan, isinagawa ang Veterinary Mission sa tatlong mga barangay ng Aleosan Cotabato.

Sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at pakikipagtulungan ng Office of the Veterinarian (OPVet) matagumpay na naisagawa ang anti-rabies vaccination, deworming, pamimigay ng bitamina at animal treatment sa Barangay Sta. Cruz, Cawilihan at Bagolibas sa bayan ng Aleosan.

Sa datos na isinumite g OPVet, abot sa 107 na mga alagang hayop ang nabakunahan at 8,565 naman ang tumanggap ng mga libreng bitamina at paggamot.

Ang veterinary mission at anti-rabies vaccination program ni Governor Mendoza ay patuloy na magbibigay ng serbisyo upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa hayop na maaaring makaapekto sa mga tao.