-- Advertisements --

Malabo na umanong mahabol para ma-renegotiate ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, sa harap na rin ng iba’t-ibang hakbang ng mga nagnanais na isalba pa ang ibinasurang kasunduan.

Para kay Lacson, kung magkakaroon man ng panibagong kasunduan, doon na lang sana gawin ang mga pagbabagong nais maisaayos mula sa dating treaty.

Kung mangyayari aniya iyon, baka maging “blessing in disguise” pa ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang lumang kasunduan.

Kailangan kasing ibasura ang isang kasunduan para maging daan sa bagong treaty, kung magkakaroon man.

“Kailangan magpirmahan sa panibagong treaty o agreement. Pagka may panibagong treaty, kailangan abrogate ang nauna nang treaty. Yan ang aking pananaw. So kung matutuloy at magkakaroon ng panibagong negotiation at mapapabuti ang PH, baka sabihin na nating blessing in disguise na rin ang ginawang move ng PRRD na i-abrogate. Kung ganoon ang ating titingnan,” wika ni Lacson.