-- Advertisements --

Suportado ng Department of National Defense (DND) ang naging desisyon ng gobyerno na huwag na muna ituloy ang pagpapawalang bisa sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa United States.

Ayon kay Secretary Delfin Lorenzana, masaya sila sa naging desisyon ng gobyerno dahil na rin sa long standing relationship ng Pilipinas at US.

Dahilan ng pagsuspinde sa abrogation sa VFA ay dahil sa nararanasang pandemya ngayon sa bansa.


Sinabi ng kalihim, malaki ang benepisyong makukuha ng Pilipinas ngayong suspendido ang pagpapawalang bisa sa VFA gaya ng tulong na ibibigay ng Amerika para labanan ang Covid 19 pandemic.

Nag donate din ng mga kagamitan ang US para sa itinayong mga quarantine facilities sa bansa.

Aminado si Lorenzana na masakit sa kanila kung bigla na lamang putulin ang alyansa lalo na at maraming natutunan ang AFP lalo na sa mga isinagawang joint US military exercises.

Binigyang-diin nito, kapag magpapatuloy ang alyansa ng Pilipinas at US lalo na sa mga gagawing mga war games, lalo pang mapapalakas ang interoperability ng mga tropa mula sa dalawang bansa.

Malaking tulong din ang US sa kampanya laban sa terorismong Philippine government.

Kinumpirma ni Lorenzana tuloy pa rin ang mga naka-iskedyul na joint US military exercises ngayong taon.