Nakatakdang maghaharap ang Pilipinas at Estados Unidos sa katapusan ng buwan para talakayin ang magiging kahinatnan ng Visiting Forces Agreement (VFA) na una ng sinuspinde ng Duterte administration.
Sinabi ni DFA Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr., kakausapin nito ang kanyang counterpart sa huling linggo ng Pebrero para palntasahin ang hindiwaan o hindi pagkakaunawaan at magkakaroon ng kasunduan.
Hindi pa naman binanggit ni Sec. Locsin ang level at venue ng nasabing meeting.
Magugunitang noong Pebrero ng nakaraang taon, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang abrogation ng VFA matapos ipawalang-bisa ng US ang visa ni Sen. Bato dela Rosa.
Pero pinasuspinde ni Pangulong Duterte ang VFA termination process noong Hunyo dahil umano sa pulitika at iba pang developments sa rehiyon.
Muling pinalawig ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng VFA termination noong Nobyembre dahil sa tumataas na tensyon sa South China Sea.