Nakatakdang lumagda ang Pilipinas at New Zeland para sa isang visiting forces agreement (VFA) sa buwan ng Abril.
Sa kaniyang talumpati sa 49th founding anniversary event ng Western Command (Wescom), kinumpirma ni Department of Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na natapos na ang pag-uusap sa VFA sa New Zealand na nakatakdang lagdaan sa susunod na buwan gayundin sa Canada kung saan natapos na rin ang huling round ng mga negosasyon sa naturang kasunduan.
Nauna ng sinabi ng DND na ang Status of VFA (SOVFA) sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand ay magpapalakas pa sa defense at military ties sa pagitan ng dalawang bansa, na magbibigay daan sa pagsasagawa ng mga pagsasanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at New Zealand Defense Force (NZDF) sa mga teritoryo ng dalawang bansa.
Matatandaan may umiiral ding VFA ang Pilipinas at Amerika na naging epektibo noong 1999 gayundin sa Australia na nilagdaan noong 2007.
Pinalawig pa ng Pilipinas ang maritime at defense security cooperation nito kasama ang ibang mga bansa sa mga nakalipas na taon sa gitna ng tensiyon sa China may kinalaman sa maritime dispute sa West Philippine Sea.