-- Advertisements --
Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa United States.
Ginawa ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang anunsyo isang araw matapos ang courtesy call ni US Defense Secretary Lloyd J. Austin III kay Pangulong Duterte sa Malacañang.
Inihayag naman ni Austin na kasama ni Sec. Lorenzana sa press briefing na ikinagagalak ng US ang desisyon ni Pangulong Duterte na ibalik na ng lubusan ang VFA.
“A strong, resilient US-Philippine alliance will remain vital to the security, stability, and prosperity of the Indo-Pacific. A fully restored VFA will help us achieve that goals together,” ani Austin.