-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bilang pagkilala sa mga kababaihan sa bayan ng kabacan, nakiisa si Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa selebrasyon ng Women’s Month sa Barangay Pisan, Kabacan, Cotabato kahapon March 26, 2021.

Pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. ang nasabing selebrasyon kung saan binigyang pugay ang mga Juana’s at lahat ng mga sumusuporta sa kanyang mga layunin at adhikain para sa ikabubuti at ikakaunlad ng bayan. Ipinaabot din ni mayor Guzman ang kanyang pasasalamat sa kanyang Bise Mayor, Sangguniang Bayan Members, Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni ABC President Evangeline Pascua Guzman, mga Barangay Kagawads, Kapulisan, Sundalo, at mga BPAT’s na aniya’y mga taong naglilingkod para sa ikakaunlad ng bayan.

Ipinagmalaki din ni Mayor Guzman ang mga proyektong nagawa sa bayan at sa mga Barangay nito na aniya’y dahil sa inspirasyon na ibinigay ni Cotabato Vice Governor Taliño Mendoza na isang “Juana” na matatag, may prinsipyo at may ipinaglalaban para sa probinsya ng Cotabato.

Tampok sa selebrasyon ang ibinibidang Pisan Lake ng bayan kung saan inayos at mas pinaganda para sa mga Kabakeños at mga kalapit bayan nito na gustong mag relax dahil sa presko at kaaya-ayang tanawin nito.