CENTRAL MINDANAO- Simula nang naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa noong January 30, 2020, naipamahagi na ni Vice Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza katuwang ang Serbisyong Totoo Team ang nasa 20,000 face masks para sa mga residente ng lalawigan ng Cotabato.
Sa pahayag ni Vice Governor Mendoza, layon nito na malabanan ang banta sa pagkalat ng coronavirus o COVID-19 sa lalawigan.
Maliban sa facemask, nagpapatuloy pa din sa pamamahagi si VG Mendoza sa probinsiya ng mga Virgin Coconut Oils (VCOs) na isa sa mga alternatibong paraan sa pag-iwas sa mga nakakahawang mga sakit at nasa 10,000 face shields.
Nagpapasalamat naman ang mga nakabenepisyo nito na malaking tulong para sa pagpapatuloy ng kanilang pang-araw-araw na gawain sa kabila ng banta ng COVID-19.
Ang mga ipinamamahaging face masks, face shields at VCOs ay mula sa personal na pondo at inisyatiba ni VG Mendoza.
Samantala, sumailalim naman sa quarantine at rapid test si VG Mendoza simula nang umuwi ito mula sa Cebu nitong nakaraang linggo.
Ang Cebu ay isa sa may mga pinakamaraming naitang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nag-negatibo naman si VG Mendoza sa rapid test at patuloy na naka-home quarantine bilang pagtalima sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases