-- Advertisements --
Lubos ang pasasalamat ng host/ comedian Vhong Navarro matapos na mabasura na ng korte ang kasong rape na inihain sa kaniya ng modelong si Deniece Cornejo.
Kuwenot nito na hindi siya tumigil sa pagdarasal na sana makuha niya ang mithiin nito at matapos na ang pinagdadaanan.
Kuwento nito na may ilang pagkakataon na nawalan na siya ng pag-asa subalit hindi ito tumigil sa pagdarasal.
Dahil sa nangyari sa kaniya ay naniniwala siya na buhay pa rin ang justice system sa bansa.
Pinasalamatan nito ang mga kaanak at kasamahan sa trabaho na kaniyang nakasama sa kasagsagan ng pagdinig ng kaniyang kaso.