-- Advertisements --

Maghahain ng motion for reconsideration (MR) ang kampo ng actor na si Vhong Navarro matapos ang paglabas ng Court of Appeals (CA) ng desisyon na pagsasampa sa kaniya ng kasong rape at acts of lasciviousness.

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, na ito ang kanilang unang gagawin matapos ang nasabing desisyon.

Sa ngayon aniya ay hindi pa nila natatangap ang kopya ng desisyon ng CA.

Magugunitang inireklamo ang actor noong 2014 ng actress na si Deniece Cornejo kung saan sa alegasyon din ng actor ay nai-setup sila ng kasama ng actress na si Cedric Lee at iba pa.