-- Advertisements --
viber app

Inalerto ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko sa mga aberya sa Viber platform na nakita ng mga eksperto ngayong araw.

Inilabas ng investigating body ang advisory matapos nitong matukoy bandang alas-10:00 ng umaga kanina ang pagpalya na makapagpadala ng files ang mga gumagamit ng nasabing application.

Ang advisory ay inilabas, wala pang dalawang linggo matapos ang pormal na paglunsad ng CICC ng Consumer Application Monitoring Systems (CAMS) upang subaybayan ang mga online applications upang matiyak ang proteksyon ng consumer.

Sinabi ni CICC Executive Director Alexander Ramos na ang pagtuklas sa paggamit ng Viber ay nagpapakita na ang monitoring system ay isang mabisang kasangkapan na gumagana, alinsunod sa pagkakabalangkas nito.