-- Advertisements --

Bumalik na sa normal ang operasyon ng instant-messaging company na Viber.

Ito ay matapos ang pagkakaroon ng problema sa mga iOS ang mobile operating system ng Apple nitong Biyernes ng gabi.

Dahil dito ay maraming mga iPhone users ang nagparating kanilang galit sa social media dahil sa hindi nila magamit ang Viber.

Ayon sa kumpanya na hindi makakatulong ang pag-uninstall at reinstalling ng nasabing app.

Magugunitang noong nakaraang linggo inanunsiyo ng kumpanya na sila ay hihiwalay na sa Facebook.

Tatanggalin lamang ng kumpanya ang mga app’s links nila sa Facebook Connect at Facebook softwar development kit.