-- Advertisements --
Nagsampa ng 19 counts ng cyber libel case ang TV host-actor na si Vic Sotto laban sa film director na si Darryl Yap.
Kasunod ito sa kontrobersyal na teaser ng pelikulang gawa ni Yap na “The Rapists of Pepsi Paloma” kung saan nabanggit ang pangalan ng actor bilang siya umano ang gumahasa sa namayapang sexy actress.
Inihain ng actor ang kaso sa Muntinlupa City Regional Trial Court nitong umaga ng Huwebes, Enero 9, 2025.
Dagdag pa nito na ikinagulat niiya ang nasabing pagkakadawit ng pangalan niya dahil ito ay nananahimik lamang siya.
Noong nakaraang taon pa ay alam na aniya ang pelikula na ito ay ipapalabas.
Giit nito na nilalabanan niya ang mga irresponsableng mga tao pagdating sa social media.