-- Advertisements --

Nakatakdang maghain ng kaso ang TV host-actor Vic Sotto laban sa director na si Darryl Yap.

Kasunod ito sa pagdawit sa pangalan ng actor sa inilabas na teaser ng pelikula ni Yap na “The Rapists of Pepsi Paloma”.

Base kasi ang pelikula sa buhay ng namayapang sexy actress na si Pepsi Paloma.

Isasagawa ng abogado ni Sotto ang paghahain ngayong araw,Enero 9 sa Muntinlupa City Regional Trial Court.

Makikita sa teaser ng pelikula na binanggit ang pangalan ng actor sa isang eksena na kasama ang actress na sina Gina Alajar at Rhed Bustamante na gumanap bilang si Pepsi.