Napili na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Deputy Commandant for Administration Vice Admiral Joel Sarsiban Garcia bilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa inilabas na appointment paper ng Malacañang, Oktubre 24 magiging epektibo ang pagkakatalaga sa kanya sa pwesto.
Papalitan niya si Admiral Elson Hermogino na aalis na serbisyo sa Coast Guard.
Si Garcia ang ika-28 na commandant ng PCG.
Nag-aral siya sa Philippine Merchant Marine Academy at isang lisensyadong master mariner.
Siya rin ang kasalukuyang Executive Director ng National Coast Watch Center na sa ilalim ng Office of the President (OP).
Mayroon siyang Masters of Science degree in Maritime Safety Administration mula sa World Maritime University sa Malmo, Sweden at Masters in Shipping Management mula naman sa Philippine Merchant Academy.
May hawak din siyang Doctors degree in Philosophy sa Public Administration mula Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology and at Doctors degree in Humanities sa Sulu State College.
Sa isang pahayag, nagpasalamat naman si PCG spokesperson Captain Armando Balilo sa pagpili ng Pangulong Duterte ng isang aniyang “visionary leader” na may malasakit sa kanyang mga subordinates at masigasig sa pagsunod sa mandato ng PCG.