-- Advertisements --

Hati ang reaksyon ng fans ni Vice Ganda ngayong wala ito sa lineup ng Metro Manila Film Festival (MMFF) “magic 10” entries.

May mga nagsabi na tama lang na timeout muna ang 44-year old TV host/comedian para bigyang-daan din ang iba pang talents, habang marami pa rin ang nakamis sa nakagawiang comedy entry nito.

Una nang ipinahiwatig ni Vice o Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay, na naninibago ito na hindi nangangarag o natataranta sa kasagsagan ng MMFF kung saan kalmado lamang ang kanyang Pasko.

Vice Ganda 2

Nabatid na nakapasok naman ang “Praybeyt Benjamin 3” ni Vice Ganda sa unang apat na inanunsyo na MMFF entry pero sinasabing bigong matapos ang taping bunsod ng coronavirus pandemic.

Matatandaang kilala ang mga nakalipas na MMFF entries ni Vice sa madalas na pagtabo sa takilya, bagama’t bihirang makahakot ng parangal.

Kabilang dito ang “Sisterakas,” “Girl Boy Bakla Tomboy,” “The Amazing Praybeyt Benjamin,” “Beauty and the Bestie,” “Gandarrapiddo: The Revenger Squad,” “Fantastica” at “The Mall, The Merrier.”