CENTRAL MINDANAO- Namahagi muli ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) at Virgin Coconut Oil (VCOs) si Cotabato Vice Governor Emmylou Taliño-Mendoza sa mga bayan sa unang distrito ng Cotabato.
Nabigyan ng mga ito ang mga ospital, paanakan centers at dental clinics sa mga bayan ng Pigcawayan, Pikit, Aleosan, Libungan, Midsayap at Alamada.
Kasama sa pamamahagi ng mga PPEs at VCOs sa mga nabanggit na mga lugar sina Board Member Shirlyn Macasarte-Villanueva, Board Member Rose Cabaya, Sangguniang Kabataan Provinicial Federation (SKPF) President at Ex-officio Board Member Sarah Joy Simblante at si Jessie Enid bilang kinatawan ni Vice Governor Mendoza.
Sinabi ni Macasarte na layon nang pamamagi nito sa mga health facilities sa lalawigan ay upang mapaghandaan ang ginagawang surprice inspection ng Department of Health (DOH) at para na din maprotektahan ang mga frontliners dito laban sa nakakahawang sakit na dala ng COVID-19.
Dagdag pa ni BM Macasarte, ang mga ito ay inisyatibo at personal mismo na ginastusan ni Vice Governor Mendoza.
Kung matatandaan, una nang namahagi ng PPEs at VCOs sina Vice Governor Mendoza sa mga bayan ng 2nd at 3rd Distict ng Cotabato.
Gayunpaman, kahit nabigyan na ang lahat ng mga bayan at siyudad sa buong lalawigan, magpapatuloy pa rin si Vice Governor Mendoza sa pamamahagi nito sa mga susunod na linggo.