-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Muling inaresto ang incumbent Vice-Governor ng Surigao del Sur kahapon kasama ang apat na iba pang wanted sa alegasyong investment scheme ilalim sa umano’y D.M.T. DEMETER C.L Agri-Products Corporation.

Matatandaang una nang naaresto nitong Marso a-17 ngayong taon ang besi gobernador dahil sa dalawang kasong estafa kasama ang kanyang asawa.

Nakilala ang mga nahuling sina Vice Governor Librado Navarro, 64-anyos, residente ng Purok Alegria, Brgy. Poblacion, Marihatag, Surigao del Sur; Letecia Navarro, 55-anyos, residente sa Brgy. Arorogan, Marihatag, Surigao del Sur; Estev Cirene Macheca, 33-anyos, residente naman ng Purok 2, Brgy. Poblacion, Lianga, Surigao del Sur; Suad Asad Fayyad, 24-anyos at Lafi Asad Fayyad, 25-anyos, parehong residente ng 1851 A. Vasquez St. Heritage Condominium, Malate, Manila.

Napag-alamang sina Librado, Letecia, at Estev Cirene ang respondents ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 28 Lianga, Surigao del Sur dahil sa syndicated estafa na may inirekomendang pyansang aabot ng 120-libong piso.

Habang sina Suad Asad at Lafi Asad ay nahaharap naman sa dalawang bilang ng R.A. No. 8799 o mas kilalang “The Securities Regulations Code” na inilabas ng RTC, 10th Judicial Region, Branch 27, Gingoog City, Misamis Oriental nay 50-libong pisong inirekomendang piyansa.

Ang mga na-arestong indibidwal ay nasa kodstudiya na ng Lianga Municipal Police Station para sa tamang disposasyon.