-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nahaharap sa patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman ang anim na mga councilors at vice mayor ng Iloilo City.

Ito ay kasunod ng muling pag-boycott ng mga opisyal na dumalo sa session ng City Council upang talakayin sana ang importanteng mga isyu tungkol sa water crisis sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay City Councilor Plaridel Nava, majority floor leader, sinabi nito na sisiguruhin niyang mananagot ang mga opisyal na kinabibilangan nina Councilors Love-love Baronda, Jay Trenas, Armand Parcon, Ely Estante, Liga president Irene Ong at Sangguniang Kabataan Federation president Leila Luntao.

Ayon kay Nava, nananadya umano ang nasabing mga opisyal upang isabotahe ang pagbibigay serbisyo ng city government lalo na sa mga residenteng apektado ng water crisis.

Kasong derelection of duty at conduct prejudicial to public service ang kasong haharapin ng nasabing mga opisyal ng lungsod.