-- Advertisements --

mahuindaSugatan ang vice mayor ng bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao at ang dalawang kasama nito matapos tambangan kaninang hapon, bisperas ng Pasko.

Batay sa report sa report ng PNP, nagmamaneho si Vice Mayor Akmad Mitra Ampatuan nang mangyari ang insidente.

Si Akmad ay dating malapit sa yumaong Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan Sr., na nasangkot sa 2009 Maguindanao massacre.

Pero hindi nagtagal pumanig ito sa kampo Maguindanao 2nd district Rep. Esmael Toto Mangudadatu.

Iniimbestigahan na ng PNP ang nasabing insidente.