-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Surigao City Vice Mayor Ernesto Matugas na dinapuan na rin ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang public address, inihayag ng Matugas na nalaman niyang nagpositibo ito sa virus base sa resulta ng isinagawang swab test.

Patuloy din aniya na tumataas ang bilang ng mga na-admit sa kanilang mga ospital dahil sa pagtaas din ng bilang ng mga taong nadapuan nito kung kaya’t halos puno na ang kanilang mga public at private hospitals.

Ayon sa opisyal, stable ngayon ang kanyang kondisyon ngunit nakikipag-ugnayan na siya sa kanilang City Health Office (CHO) para sa dapat gagawin lalo na’t nagpapakita siya ng mga early symptoms ng nakamamatay na coronavirus.

Kaugnay nito, nanawagan siya sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha mula Setyembre 19 hanggang 25 na bumisita na sa kanilang CHO upang ma-monitor ang kanilang kalagayan at para na rin sa contact tracing purposes.