-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naging makapigil-hininga ang eleksyon sa bayan ng San Lorenzo, Guimaras sa pagitan ng dalawang kandidato sa pagka-bise alkalde.
Ito ay matapos nanalong ang incumbent na Vice Mayor laban sa kanyang katunggali sa 2 boto lang na kalamangan.
Si incumbent Vice Mayor Jun Cordero ay nare-elect sa boto na 6,935.
Nakakuha naman ng boto na 6,933 ang kanyang kalaban na si Wilme Denila.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cordero, sinabi nito na malaki ang kanyang pasasalamat dahil halos himatayin ito habang hinihintay na matapos ang counting at nanalo sa pamamagitan lang ng dalawang boto.
Pahayag nito, patunay lamang ito kung gaano kahalaga ang pagboto.
Tiniyak naman ng bise-alkalde na ipagpapatuloy ang mga programa na kanyang nang nasimulan.