-- Advertisements --

VIGAN CITY – Sumuko sa mga otoridad ang isang Vice Mayor sa bayan ng Cabugao dahil sa kinahaharap nitong kaso.

Nakilala ang sumukong bise mayor na si Jemaima Tan Yee, isang medical doctor at residente ng Brgy. Rizal sa nasabing bayan.

Sa nakalap na report ng Bombo Radyo Vigan , si Yee ay sumuko sa mga otoridad sa Candon City dahil sa kasong Serious Illegal Dentention at sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas noong October 25, 2019.

Nag-ugat ang kaso ng Vice Mayor ng hindi payagang makalabas ng hospital ang isang pasiente na may Brief Psychotic Disorder sa kanilanng psychiatric and rehabilitation center ng limang taon dahil umabot sa 294,000 ang hospital bill nito.