-- Advertisements --

VIGAN CITY – Humihingi ng saklolo sa mga nakakataas na opisyal ng PNP at Philippine Army si Vice Mayor Jaja Josefina Somera Disono sa pininiwalaang ambush ng kapulisan sa kanyang convoy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Vice Mayor Disono, pauwi umano ito galing sa session ng mayroong madaang check point at nangmakalagpas ang kanyang sasakyan isang armadong lalake ang kumalampag sa kanyang convoy at pinilit na palabasin ang kanyang mga kasamahan sa isang sasakyan.

Aniya, tumakbo ang kanyang gropo ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa mga pinaniniwalaang miembro ng PNP na nagsagawa ng check point at humarang sa kanilang sasakyan.

Patay ang isang kasamahan ni Disono na magtamo ng gunshot wound sa kanyang ulo.

Sa ngayon takot na takot umano ang kanyang pamilya at napapalibutan ng kapulisan ang kanilang tahanan.