-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang Vice-Mayoralty Candidate habang naglalakad papuntang Municipal Comelec Office sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Datu Piang Maguindanao Incumbent Municipal Councilor Bai Diana Mantawil Mokalid.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Jibin Bongcayao na habang naglalakad si Mokalid patungo sa tanggapan ng Comelec kasama ang kanyang mga tagasuporta ng bigla itong himatayin.
Naisugod pa ang biktima sa isang pagamutan sa Midsayap Cotabato ngunit binawian ito ng buhay.
Atake sa puso ang posibling dahilan ng pagkasawi ng Vice-Mayoralty Candidate ng bayan ng Datu Piang.
Ikinalungkot naman ni Datu Piang Incumbent Mayor Victor Samama ang nangyari sa kanyang running mate.