CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang isang vice-mayoralty candidate sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakakilala ang nasawi na si Taps Muhammad Madidis, security escort at sugatan si Barangay Sambolawan, Datu Salibo, Maguindanao at Brgy Kagawad Samsudin Zailon Esmail.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial director Colonel Jibin Bongcayao na lulan ang grupo ni Esmail sa isang Toyota pick-up sa Barangay Ilian, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kasama ang kanyang mag-ina ng bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo na walang plaka patungo sa direwksyon ng Datu Salibo, Maguindanao.
Nasugatan si Esmail na maugong na kakandidatong bise-alkalde sa Datu Salibo, Maguindanao at nakaligtas ang kanyang asawa kasama ang anak nito.
Patay naman ang isang security escort ni Esmail na nakasakay sa likod ng Hilux pickup.
Matatandaan na unang tumakbo na Vice-Mayor Esmail noong nakalipas na eleksyon ngunit natalo at nagprotesta dahil dinaya umano sya.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao PNP sa pananambang sa grupo ni Esmail.