-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Gikumpirma ni City Public Information Officer Rombel Catolico na si Vice Pres. Sarah Duterte ang magiging guest speaker sa closing ceremony ng Kalilangan 2023 sa Pebrero 27, nitong taon.

Isang malaking karangalan sa lungsod na pupuntahan ng bise president.

Maliban pa na inimbitahan rin ng lungsod ang mga opisyal ng Region 12.

Sa ngayon all set na ang preparasyon ng Kalilangan 2023.

Ang Grand Opening ay nakatakda ngayong araw Pebrero 23,2023.

Sa closing ceremony ay masasaksihan ang Kadsagayan Street Dance Competition sa February 27, 2023, ang Kapehan sa Kalilangan, Parada ng Lahi o Kadena de Amor at iba pa.

Ang Kalingan 2023 ay kasabay ng 84th founding anniversary ng lungsod na binigyan ng diin ang pagdating ng grupo ni Gen. Paulino Santos.