Nagpahayag si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ng kanyang mariing pagtutol sa transport strike dahil aniya ito ay malaking abala sa pagsisikap ng Kagawaran ng Edukasyon upang mapunan ang gap sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Nabanggit niyang ang Piston ay isang organisasyon kung saan ang ilang mga miyembro ay nalason sa ideolohiya ng Communist Party of the Philippines, the National Democratic Front of the Philippines, and the New People’s Army.
Ang isa pang militant organization na ACT raw ay hindi prioridad ang serbisyo sa mga mag-aaral at education sector.
Ngunit nilinaw niyang hindi ito panrered-tag kundi ito ay ang katotohanan.
Dagdag pa niya, hindi binigyang konsiderasyon ang mga mag-aaral at guro.
Dahil umano sa pinaglalaban ng iba’t ibang transport group, malaki ang epekto nito sa mga mag-aaral at ang publiko lang rin ang mahihirapan.
Sa kabila nito, sinabi niyang kahit mayroong tigil pasada, hindi parin titigil ang mga kabataan sa pag-aaral.