-- Advertisements --
IMG 20230208 152148

Binigyang diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagkakaroon ng agarang aksyon upang mas mapataas pa ang kalidad ng edukasyon ng Association of Southeast Asian Nations students o mas kilala bilang ASEAN, sa naganap na 52nd Southeast Asian Ministers of Education Organization Council Conference.

Aniya, ang pandemya ang nagpakita at nagpalala ng tunay na kalagayan ng edukasyon sa Southeast Asian countries, mas nahirapan ang mga estudyante sa kanilang pag aaral.

Kaya naman, bilang tugon dito, binigyang diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na kailangan nang gumalaw ng mga leader ng edukasyon at wala ng panahon upang magsayang pa ng oras.

Dagdag pa niya, bilang mga education leaders, ang pag papataas ng kalidad ng edukasyon ng Southeast Asian students ay isang responsibilidad.

Nabanggit niya rin ang patungkol sa MATATAG agenda, kung saan ito ay naglalayong mapaganda, gawing handa, maprotektahan at mabigyang suporta ang mga estudyante at guro.

Samantala, hinikayat ng bise presidente ang mga dumalo sa 52nd Southeast Asian Ministers of Education Organization Council Conference na magkaroon ng bayanihan sa pangangalaga sa edukasyon bilang ito’y responsibilidad ng mga education leaders.