-- Advertisements --
Nasa 10 katao ang patay sa nangyaring roadside bombing sa Kabul, Afghanistan.
Target ng nasabing atake si First Vice-President Amrullah Saleh.
Nakaligtas si Saleh na dating namumuno sa Afghan intelligence service kung saan nagtamo ito ng sugat sa mukha at kamay.
Nangyari ang pagsabog habang nagsasagawa ng paghahanda ang Afghan officials at Taliban.
Pinabulaanan naman ni Taliban spokesman Zabihullah Mujahid na sila ang nasa likod ng pang-aatake.
Sinabi ni Afghanistan initerior ministry spokesman Tareq Arain na patungo sana sa opisina nito si Saleh ng ito ay tinarget ng nasabing bomba.
Bukod sa nasawi ay mayroong 15 katao naman ang nasagutan sa insidente.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng insidente.