-- Advertisements --
Kumpirmadong nasawi na si Malawi Vice President Saulos Chilima matapos na matagpuan ang kaniyang sinakyang eroplano na walang nakitang survivors.
Sinabi ni Malawi President Lazarus Chakwera, natapos na ang ginawang search and rescue operations na kaniyang ipinag-utos.
Nakita ng mga rescuers ang pira-pirasong eroplano sa bulubunduking bahagi ng Chikangawa Forest sa northern Malawi.
Itinuturing na isang uri ng aksidente ang nangyari.
Nakatakda sanang lumapag ang eroplano ni Chilima kasama ang siyam na iba pa sa paliparan sa Mzuzu City subalit ito ay bumalik dahil sa poor visibility.
Si Chilima ay naging vice president ng Malawi mula pa noong 2014.
Iaanunsiyo pa ng gobyerno ng Malawi kung kailan ang kanilang gagawing funeral service.