-- Advertisements --
Bahagyang lumakas ang Bagyong Vicky matapos nitong tawirin ang lalawigan ng Palawan.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 80 kms hilagang-silangan ng lungsod ng Puerto Princesa, Palawan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at may pagbugsong 85 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa northern at central portion ng Palawan (Araceli, Dumaran, Taytay, El Nido, San Vicente, Roxas, Puerto Princesa City, Aborlan, Narra, Quezon, Sofronio Espanola) kasama na ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands.
Inalis naman na ang nakataas na tropical storm warning signal sa Cagayancillo Islands.