-- Advertisements --
Napanatili ng Bagyong “Vicky” ang lakas nito habang tinatahak ang direksyon patungong Kalayaan Islands.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 195 kms kanluran hilagang-kanluran ng lungsod ng Puerto Princesa, Palawan o 340 kms silangan ng Kalayaan, Palawan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging 55 kph malapit sa gitna, habang nabawasan naman ang pagbugso nito sa 70 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Tanging ang Kalayaan Islands na lamang ang nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal No. 1.
Inaasahang lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility bandang hapon o gabi.